Tagaytay
Isa ang tagaytay sa tatlong lungsod na nagmula sa lalawigan ng cavite na itinuturing na “Second summer capital of the Philippines” pagkatapos ng baguio. Ang lugar ng Tagaytay ay hindi kalayuan sa kamaynilaan kaya namat kaliwat kanan ang dumarayo rito. Hindi lamang kilala ang lugar na ito sa mahalumigmig nitong klima ngunit tanyag din ang lungsod na ito dahil sa mga pambihira nitong mga kainan, naggagandahang mga resort at mga kahanga-hangang tanawin. Halina’t sabay-sabay nating lakbayin ang lalawigan ng Tagaytay.
Isa
sa pinakapopular na tanawin sa Tagaytay ay ang Lawang Taal. Natatangi ang lawa
na ito sapagkat mayroon itong isla sa gitna (Bulkang taal), na may sarili ring
lawa sa loob at isa pang isla sa loob ng ikalawang lawa na ito. Tunay nga
naming kamangha-mangha ang tanawin mula sa itaas na sinamahan pa ng malamig at
peskong hangin.
Hindi
makukumpleto ang iyong pagbisita kung
hindi mo matitikman ang mga pambihiang kainan sa lalawigan ng Tagaytay. Marami sa
mga kainan dito ay naka-puwesto sa tabi mismo ng bangin na kung saan matatanaw
mo ng buo ang Lawa ng taal at ang bulkan nito.
Isa sa aming napasyalan ay isa sa mga
pinakatatagong yaman ng lungsod Tagaytay, ito ay ang Puzzle Mansion. Kami ay
nahirapang hanapin ito sapagkat ito ay matagpuan sa gitnang bahagi na ng
lungsod. Ang daan papunta rito ay maliit at matarik kaya nama’t hindi
makakapasok ang malalaking sasakyan. Isa ito sa mga naitala sa Guinness world
records dahil ito ang may pinakamaaming naitalang jigsaw puzzles sa buong
mundo.
VALDEZ, Jazhel
12-St. Eusebia
Pictorial Essay
Comments
Post a Comment