Halina’t Maglakbay sa Antipolo, Rizal
Agosto 28 taong 2017 nang kami’y magtungo sa Parish of the Immaculate Heart
of Mary na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Ang pakay ng aming pagbisita ay upang
magpa-car blessing ng aming bagong sasakyan. Hindi namin inaasahan na mabilis
lamang ang proseso sapagkat walang masyadong tao nung oras na yun kaya’t naisipan
naming magtungo sa Hinulugang Taktak Falls malapit lamang sa simbahan na iyon.
Ang simbahang Parish of the Immaculate Heart of Mary ay aking mailalarawan bilang sagrado mula sa mga kulay puting pintura ng bawat pader hanggang sa mga matataas na punong nakapalibot sa paligid. Higit pa rito, ang modernong pagkagawa ng simbahan ay tugma sa kagandahan ng buong lugar. Ito rin ay maaliwalas sapagkat iyong ramdam ang sariwa at preskong hangin mula sa labas. Ang simbahan ay aking nagustuhan rin dahil ang lugar na ito ay lubos na tahimik kaya’t ikaw ay makapagdarasal ng taimtim.
Nang matapos magsimba, kami ay nagtungo sa Hinulugang Taktak Falls upang magpahangin. Ang pasyalan na ito ay nagbibigay ginhawa sa pamamagitan ng malinis at tahimik na kapaligiran. Ang tanawin ng talon at ang mismong paligid ng parke ay maaaring pagmasdan ng mga panauhin. Karagdagan, ang lugar na ito ay mayroong mga maliliit na kubo para sa mga taong gustong mag-picnic. Bukod pa rito, ang pasyalan na ito ay libre at kinakailangan mo lamang isulat ang iyong pangalan sa kanilang talaan.
Sa kabuuan, ako’y lubos na nasiyahan sa aming maikling pagbisita sa siyudad na ito. Nawa’y kami ay makabalik at magtungo naman sa ibang mga atraksiyon at resorts na ipinagmamalaki ng Antipolo, Rizal. Ilan sa mga ito ay ang Pinto Art Museum, Mystical Cave, Luljetta’s Hanging Gardens Spa at marami pang iba.

Parish of the Immaculate Heart of Mary
Hinulugang Taktak
Luljetta’s Hanging Gardens Mystical Cave Pinto Art Museum
DE GUZMAN, Chevy
12-St. Eusebia
Lakbay Sanaysay
PICTORIAL ESSAY - https://matuklasan.blogspot.com/2017/11/alaala-ng-paglalakbay-sa-bansang.html
Comments
Post a Comment