PALAWAN
Ako at ang pamilya ko
ay naglakbay sa palawan dahil marami ang nagsasabi na madaming magagandang
tanawin at maganda magpahinga doon. Noong hulyo ng 2016 kami ay lumipad
patungong palawan. Kasama ko ang buo kong pamilya sa palawan. Ang paglalakbay
namin sa palawan ay hindi madali dahil ang flight namin nung ay na cancelled
dahil sa bagyo kaya ito ay nalipat kinabukasan kaya kami ay bigo
Nung araw na yun na
dapat na sa palawan na kami at namamahimga imbis na andito kami sa kamaynilaan
na istuck sa traffic. Nung kinabukasan na ng umaga kami ay lumipad na patungo
sa palawan. Ang panahon nun ay medyo maganda. Maaliwalas ang langit at matirik
ang araw kaya wala ng problem asa aming paglipad.
Nung pagbagsak namin sa palawan isang mainit na
panahon ang sumalubing saamin. Sa kabila naman ay pun ing ngiti at saya ang
aming oaglalakabay. Nung paglapag namin dun sinalubing agad kami sa airpot n
gaming tourist guide para ihatid sa aming hotel na aming tutulugan. At kami ay pumunta na sa kanya kanyang kuwarto
at nagayos at naghanda ng mga gamit. Sa aming unang araw, kamu muna ay kumain
ng tanghalian at pagkatapos ay nagpahinga ng kaonti at kami na ay sumakay sa
sasakyan at pumunta na sa sakayan ng bangka dahil kami ay mag islangd hoping.
Sa
dami ng isla sa palawan iilan palang an gaming napupuntahan sa araw na iyon.
Bawat isla na aming pinupuntahan ay kailangan akyatin dahi lang ang mga isal na
iyon ay may mga tinatago na lagoon. Ang isla na nasa larawan ay may nasa
mahigit na isang libo na baitang ang kailangan akyatin bago ka makarating sa
itaas at ilang daang hakbang naman pababa para makarating k asa isang gawi ng
isla na sa gawi ng isla na ito ay may isang magandang tanawin. Isang lagoon na
ang tubig ay kasing linaw ng mata ko. Kitang kita an gang kalinisan at kalinawan
ng tubig. Hindi lamang ang pag lalangoy ang magagawa mo dito kung hindi rin ang
pag cliff diving.
Meroon
nabuong isang malaking bato sa may tab ing lagoon at ginawang diving board ng
mga tao. Subalit mahirap akyatin ito dahil isang matirik at mataas na bato ito
na madaming hugis na patusok na bato. Pero sulit naman ang iyong oagakyat dito
dahil ang sarap mag dive mula sa taas na yun. Medyo delikado nga lang siya sa
iilan pero ito ay isang magandang karanasan. Sa sobrang linaw ng tubig sa
lagoon ay itim na lang ang makikita mo sa ilalim dahil malalim din ang
lagion
na ito at wala pa daw nakakarating sa ilalim neto base sa aming tour guide
dahil sa sobrang lalim ay hindi na kinaya ng tao ang sumisid pa. Pagkatapos
lumangoy at kumuha ng letrato ay umalis na kami dito. Umakyat at bumaba nanaman
kami ng daang daang hakbang oara makarating sa aming bangka. Sa susunod naman
ay para kang naghiking dahil dito wala ng hagdan bato na talaga ang iyong
dadaanan. Nung una ay may mga kahoy pa na nagsilbing daanan at may mga hagdan
sa susunod naman ay wala na. Kaya ang susunod ay medyo mapaghamon samin. Sa
kabila mg lahat at sa tulong ng aming guide kami ay nakaraos at ligtas na
nakarating sa kibaling panig ng isla at
sa isla naman na ito ay may isang nagbubukod tanging lagoon ulit. Sa bawat isla
na aming pinupuntahan iba iba ang istruktura ng mga bato.may mga hugis hayop at
may mga hugis santo. Magaganda ang tanawin ng bawat isla at malilinaw ang mga
tubig neto kahit na madaming turista ang dumadayo dito. Hindi parin nawawala
ang pagka natural ng bawat isla at bawat bato. Palubog na
ang araw at kami ay bumalik na sa kapatagan. Bago kami bumalik sa aming hotel
ay kumain muna kami. Kumain kami sa nirelomenda ng aming guide.
Ito ay malapit lamang sa aming hotel kaya doon na din kumain. Ang soecialty ng kainan na iyon ay buaya. Halos lahat ng pagkain nila ay may halong buaya. Maganda naman ang kanilang lugar. Ito ay airconditoned at kung ayaw mo ng may aircon ay may mga kubo sila sa labas. Masarap ang kanilang mga pagkain subalit hindi ko lang matangap na buaya ang aking kinakain. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa aming hotel at nagpahinga para sa susunod na araw. Kami ay gumising ng umaga dahil maaga pa ang lakad namin. Hindi kami sabay sabay kumain dahil hindi kami sabay sabay gumising. Kung sino yung unang gumising ay yun nadin ang unang kakain. Pagkatapos namin kumain lahat at gumayak sumakay nanaman kami sa isang van papunta naman sa ibang sakayan ng bangka dahil ibang isla nanaman an gaming pupuntahan at ibang dagat. Mas malaking bangka an gaming sinakyan dahil sa likod ng bangka ay mayroong lutuan at madaming pagkain. Ang una naming ginawa ay nag snorkling. Ibat ibang isda ang makikita mo dito. Hindi lamanh isda kung pati na din ang mga ibang lamang dagat katulad lamang ng star fish at mga pagong. Nakakatuwa at nakakarelax pagmasdan ang mga isda at lumangoy sa dagat. Mahabang pag lalangoy an gaming ginawa. Madaming coral reefs o tirahan ng mga isda sa palawan kaya madami itong lugar subalit sila ay layo layo kaya malalayo ang aming mga linalangoy o sumasakay kami sa bangka at baba nanaman at sasakay nanaman. Ang nakakatuwa dito ay sa gitna ng dagat ay may nagbebenta ng mga ice cream at buko. Sila ay naka bangka din subalit ang mga bangka nila ay pang isang tao lamang. Malapit na ang tanghalian, pumunta kami sa isang isla kung saan pwede ka mananghalian subalit walang binebentang pagkain doon kaya ikaw ang magdadala ng sarili mong pagkain. Nabangit ko kanina na ang bangka namin ay may mga pagkain na kaya hindi na namin kailangan mag alala. Pagdating namin dun ay hinanda na ng bangkero at mga tao sa bangka ang aming pagkakinan habang kami ay nagtamahasin sa isla. Nung nakahanda na ang kainan sa sobrang gutom namin pumunta agd kami doon at kumain. Habang kami ay kumakain sabi ng bangkero namin na may kayak sila na dala at pwede namin gamitin para umikot sa isla. Ako naman ay sa gusto g hudto ko magkayak ay binilisan ko ang aking kain at nag kayak na. Maliit lang naman ang isla kaya pwede na magisa subalit ipinbawal n gaming bangkero kaya kasama ko ang aking pinsan. Habang kami ay umiikot sa isla ay sa likod ng isla may naaaninag kami na parang lumilipad o parang mag lunulutang sa una ang akala namin ay may paring gayun pa man isa lamang pala yung flying fish. Ipinagpatuloy lang namin ang pagsagwan hanggat sa makarating kami kung san kami nang galing. Nag isang ikot pa uli kami at ngayon naman ay pabaliktad. Ang hindi namin alam ay may current pala doon kaya kami ay nahirapan sa pagsagwan. Tinodo namin ang sagwan para lang makarating uli sa aming pinaroroonan at pagdating namin doon ay ubos na ang aming lakas. Pagtapos namin dito ay medyo pagbi na kaya kami ay bumalik na sa kapatagan. Pagkatapos
nun ay umalis na kami sa isla at pumunta sa isang hot spring. Kami ay bumaba na sa bangka at sumakay pa ng isang van para makapunta sa hot spring. Ito ay isang natural na hotspring. Ang hot spring na ito ay dinadayo dahil ang sabi sabi ay ito daw ay nakakapag gamot ng iyong mga sakit ng katawan katulod lamang ng pag sakit ng itong mga balakan at mga muscles. Ang tubig nito ang init ay kinukuha ng iyong katawan at pinapalitan ang lami. At kami ay kumain uli ng hapunan pero sa iba naman.At pagkatapos ng hapunan ay kami ay nagsalo salo at nagkaroon ng konting iniman dahil ito ang huling gabi namin sa palawan. Hating gabi na kami nakauwi at natulog pagkatapos. Pagkaumaga ay kumain nalang kami at nag ayos ng mga gamit at umalis na sa aming hotel. Hinatid ulit kami ng aming guide sa airport at kami ay sumakay na ng eroplano patungong maynila.
CARANDANG, Anna
12-St. Eusebia
LAKBAY SANAYSAY
PICTORIAL ESSAY: https://matuklasan.blogspot.com/2017/11/baler.html
Comments
Post a Comment