Ang Simbahan ng Manaoag


           Ang simbahang ito ay matatagpuan sa Pangasinan, at ito ang dinadayo ng aming pamilya upang ipagpatuloy ang nakamulatang panata ng aming mga ninuno. Ang simbahan na ito ang nagsisilbing bahay ng pasasalamat namin sa maykapal sa mga biyayang aming natatamo at dito rin nagtitipon ang aming mga kapamilya upang magkasiyahan.


            Simula pa noong unang panahon, ang pagsisimba namin sa Manaoag ay nagbibigay kasiyahan sa aming lahat at nakakapagpaluwag ng sikip ng damdamin. Tunay ngang napakasarap maging deboto ng simbahang ito.


               Ang simbahang ito ang lugar kung saan ang ming mga bagong kagamitan, maliit o malaki ay aming pinababasbasan upang kami ay magabayan sa pag gamit ng mga bagay na isa ding biyaya ng maykapal.

         Ang simbahan naman ng San Isidro ang tinuturing ng aming pamilya na lugar kung saan karapat-dapat mag isang dibdib ang mag asawa sapagkat dito sa lugar na ito kinakasal ang bawat myembro ng aming pamilya sa kadahilanang itong lugar na ito ay malapit sa puso ng aming mga ninuno.


              Ang Matutina’s naman ang lugar kung saan kami nagtitipon ng aming mga kapamilya upang kumain at magkaroon ng oras upang magbahagi ng mga makabuluhang pangyayari sa aming mga buhay. Ang mga putahe dito ay mga tipikal na pagkaing tagalog kung saan bawat subo ay lasap na lasap namin ang aming pagka Pilipino.

TOLENTINO, Jhasmine
12-St. Eusebia
LAKBAY SANAYSAY


PICTORIAL ESSAY - https://matuklasan.blogspot.com/2017/11/batangas.html

Comments

IBA PANG BABASAHIN