Carangglan: Ang liblib na yaman ng Nueva Ecija


Simula pa lamang ng kamusmusan ay namulat na ang aking mga mata sa tanawin ng mga huni ng ibon, agos ng ilog at naglalakihang mga puno sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang siyudad ng Nueva Ecija ay tinaguariang pinakamalaking probinsya sa Gitnang Luzon. Kilala ang Nueva Ecija sa tawag na “Rice bowl of the Philippines” na kung saan tunay nga naman na kilala ang lugar na ito dahil sa laki ng nai-aambag nito sa industriya ng palay at bigas. Sikat din sa lugar na ito ang gatas ng kalabaw, prutas, gulay, at marami pang iba.
Ang lungsod ng Carranglan ay isang liblib na lugar mula sa Nueva Ecija. Halos anim hanggang walong oras ang byahe mula maynila papunta rito. Sa lugar na ito ay kakaunti lamang ang nakatira at halos magkakalayo ang mga bahay. Masagana ang lugar na ito sa bukid at mga palayan na kanilang pinagkakakitaan. Ang buhay ng mga tao rito ay simple lamang pagkat hindi pa gaanong modernisado ang lugar.

                Bukod sa maaliwalas na hangin at mga naglalakihang puno ay maaari mo rin ditong matunghayan ang tulay na ito o hanging bridge. Ang ilog sa lugar na ito ay pinagliliguan ng mga local na mamamayan, pinaghuhugasan ng kanilang mga traysikel o kaya nama’y upang maglaba.
                





                Bagama’t hindi sagana sa nakamamanghang mga tanawin ay dito mo masasaksihan ang tunay na buhay sa isang probinsya. Dito ay mararamdaman mo ang maaliwalas at preskong pakiramdam na wala sa siyudad.


                                                                                                                                       VALDEZ, Jazehl
                                                                                                                                       12- St. Eusebia
                                                                                                                                     Lakbay Sanaysay

PICTORIAL ESSAY - https://matuklasan.blogspot.com/2017/11/tagaytay.html

Comments

IBA PANG BABASAHIN