Alaala ng Paglalakbay sa Bansang Singapore
Ang pamamasyal ay isa sa pinakamaligayang gawain
lalo na kung kasama natin ang ating pamilya. Noong Enero 2017, kasama ko ang
aking mga mahal sa buhay nang magtungo kami sa bansang Singapore upang igunita
ang kaarawan ng aking nakababatang kapatid. Para sa akin, ito ay isa sa
pinakamasayang pangyayari sa aking buhay.
Ang bansang Singapore ay tinaguriang disiplando
sapagkat ito ay tanyag bilang pinaka masinop na bansa sa buong mundo. Higit pa
rito, ang mga mamamayan ng Singapore ay may malawak na kamalayan sa pagprotekta
ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang relihiyon naman ay karamihan binibilangan
ng Budismo. Kilala rin ang kanilang ekonomiya bilang maunlad.
.Una naming pinuntahan ay ang Universal Studios
na matatagpuan sa loob ng Resorts World Sentosa.
Iba't-ibang klaseng mga rides at magagandang atraksiyon ang makikita sa loob.
Maaari rin magpakuha ng litrato sa iba’t ibang kilalang karakter na naglilibot
dito.
Nang maggabi, kami ay nagtungo sa Merlion Park.
Dito matutuklasan ang leon na si Merlion na kinikilalang simbolo ng bansang
Singapore. Kaya’t para sa mga turistang katulad ko, nararapat lang na bisitahin
ang parke na ito upang mas maging makabuluhan ang iyong paglalakbay.
Sa
sumunod na araw naman ay binisita namin ang Marina Bay Sands na matatagpuan sa
Bayfront Avenue. Ako ay lubos na namangha sa shopping mall na ito sapagkat ang
Marina Bay Shoppes ay isang underground walking mall. Ang entrance at exit nito
ay matatagpuan sa pinakataas na palapag
Ang huling pinagmamalaking turismo ng Singapore
na aming napuntahan ay ang Gardens by the Bay. Ang loob nito ay may iba’t ibang
mga uri ng bulaklak at mga halaman. Ang ganda ng paligid ay lubos na nakakaaliw
lalo na sa mga mahilig kumuha ng litrato. Kung ako’y tatanungin, mas mainam na
pumunta sa parke na ito tuwing gabi sapagkat nagkakaroon ng mga magagandang
ilaw ang mga puno at mga halaman kapag nagdidilim na ang paligid.
Marami akong natutunan sa aming paglalakbay at
hinding hindi ko makakalimutan ang aking mga natutunan sa kasalukayan.
Napagtanto ko na mahalaga ang pag balanse ng oras at ang pagsunod sa iskedyul upang
makalibot sa maraming pasyalan. Bukod pa rito, aking natutunan ang ilan sa mga
kultura at pamumuhay ng mga mamamayan sa bansang Singapore.
DE GUZMAN, Chevy
12-St. Eusebia
Pictorial Essay
12-St. Eusebia
Pictorial Essay
Comments
Post a Comment