Batangas



        Ang lugar kung saan malayo ka sa problema at sariwa ang hangin. Ilan lang yan sa mga mararangyang salita na maaari mong marinig kapag Batangas ang pinag-uusapan. Sa Batangas matatagpuan ang masasarap na pagkain at ilan sa mga pinaka magagandang tanawin sa Pilipinas.


      Sa Pico de Loro Caragao naman ang aming destinasyon ng pagsasaya at pagpapahalaga sa biyayang natural ng ating panginoon. Mararating lang ang lugar na ito sa pamamagitan ng sasakyang pandagat.


          Ang buhangin sa beach na ito ay pino at talagang maputi. Pag nadadaanan ito ng sikat ng araw ay tunay ngang kumikintab na parang mga perlas. Ang paraisong ito ay parang himpilan ng mga indibidwal na nagnanais lamang na makaranas ng ginhawa sa kanilang buhay.


             Ang Punta Fuego naman ang islang aming dinadayo kapag nais naming lumayo sa sibilisasyon at magkaroon ng tahimik at pribadong oras na paghahatian ng aming pamilya. Dito kami nakakapag relaks at nakakasama naming ditto an gaming mga pamilya at mga kaibigan. Madaming pwedeng gawin sa Punta Fuego tulad na lamang ng Jet ski at Banana Boat. 



TOLENTINO, Jhasmine
12- St. Eusebia
PICTORIAL ESSAY


Comments

IBA PANG BABASAHIN