Baler
Mahilig
ako magpunta sa iba’t ibang lugar lalo na sa madadagat na lugar dahil hilig ko sa
mga aktibidad sa katubigan katulad lamang ng pag surf. Ang baler ay isang lalawigan
sa aurora at isa sa mga surfing spot sa pilipinas. Hindi lamang ang kagandahan
ng kalikasan ang dinadayo dito kung hindi ang pag surf din. Ang baler ay isa sa
mga gustong gusto kong binabalik balikan dahil sa preskong hangin at magandang
tanawin. Hindi ito populadong lugar kaya masarap pumunta dito.
Ito ang una kong
pagsurf sa baler noong 2012. Maganda ang kanyang dagat, malinis. Kokonti pa
lamang ang mga taong dumadalo dito kaya malaya kang makapag surf at walang
kompitensya sa lugar at dagat.
Isa sam ga gawain ng
turista ay tumugtog sa tabing dagat at bilang isang turista sa lugar na ito ako
din ay tumogtog sa ilalim ng tulay ng tabing dagat. Ang tunog ng alon at hangin
ay kay sarap pakinggan at samahan pa ng tunog ng ukulele.
Ang simoy ng hangin na
walang usok. Ang tubig na walang anumang dumi o kalat. Ang dagat na walang
bakas ng tao. Dumarami na ang mga dumadayo ngayon sa baler pero nananatili ang
kanyang kagandahan.
Isa sa mga iniintay
dito ay ang pag lubog ng araw. Habang palubig ang araw ay sumasalamin ang ilaw
sa dagat at lumilikha ng isang magandang tanawin.
Ang kagandahan ng ulap ay nagtutugma sa kagandahan ng dagat na parang silay nagsasalamin sa isat isa. Ang kagandahan niyo ay hindi lamang kung saan saan nakikita.
CARANDANG, Anna
12-St.Eusebia
PICTORIAL ESSAY
Comments
Post a Comment